Skip to main content

Single Ka?

Nakakamiss din talaga ang mag personal blog eh no, yung totoong kahit ano ang sabihin mo - ayos lang, naalala ko dati nung nagsimula ako sa wordpress parang ganito lang din, pwedeng sabihin kahit ano, tagalog ayos lang.. at nakaka miss din yung dati pahabaan pa ng comment at talagang babalik pa yung mga commenters para sumagot ulit. =) Simple lang talaga! =)

Halos 5 years na din pala tong bonistation counted ang wordpress.com days! =) kahit ang dalang ng post ng mga nakaraang taon eh buhay padin at pasensya na talagang busy lang sa Taragis.Com (haha promote parin?). So anong latest? anong bago sa inyo? sana makapag kwentuhan uli tayo sa mga comment, at makadalaw din sa mga blogs nyo. Lately nag ba blog hop ako at marami rami narin akong nabisita at kaya naman nakakainspire talagang mag blog uli.

Naka 6 years nadin pala ko dito sa KSA, ang bilis ng panahon talaga! sabi ko nung nag aayos palang ako ng papeles papaalis baka isa o dalawang taon lang kaya ko, pero yun nga umabot na ng 6.. and counting haha.. pero minsan nakakainip narin talaga at mapapaisip kang ok na siguro yun, time to go home at magsimula uli ng bagong challenge ng buhay o kaya naman ituloy ang dating buhay sa pinas yun bang parang i unfreeze lang ang time.

Nung last na bakasyon ko, hindi kona naikwento, nakapag pasko uli ako sa Pinas (2012) ibang iba talaga pakiramdam pag sa Pilipinas ka mag papasko at kung pwede nga lang na taon taon eh pasko ako uuwi. May isa pang gusto akong itapat na bakasyon na hindi kopa nagagawa simula nung mag abroad ako, Holy Week, marami din akong nami miss pag mahal na araw at kadalasan sakto yun ng birthday ko, sana next year eh makapag bakasyon ng ganyang panahon at para tapat din sa summer!

Bago pala muna ang next year, may bakasyon ako ngayong August - kita kits ha!

Anyway, maisingit ko lang:
Tandaan mo mayroong isang taong masayang single ka at naghihintay lang na mapansin mo siya."

Comments

  1. sino kaya ung tao na yun na masaya dahil single ako? single din kaya sya? hahaha. namiss ko tong bonistation ah! finally nagupdate. busy kasi sa taragis.com eh. o yan may promote din ang komento hahaha :D

    --
    Bons: haha aprub! nakaakatuwa yung masayang single na yun haha dapat pakita na sya =) busy nga eh, sana makadalaw dito ng madalas para ma update kahit papano. salamat sa pagbisita bino!

    ReplyDelete
  2. 2ndbase. nmiss ko ang bonistation ah.. naks! sino kya para sa atin.. baka natrapik lng.. kung saan2 pa ngppunta..hahah.. itayo ang single club.. lol.. anyways kitakits sa august

    --
    Bons: Thanks Mel, nakangiti lang daw yung na nakatingin sayo at masaya dahil single ka hala stalker? haha!

    ReplyDelete
  3. 1st time ko ata npadpad dito madalas sa taragis.com

    --
    Bons: welcome po palakanton sa aking personal blog! =) bawal tech dito haha! biro lang.

    ReplyDelete
  4. sobrang natrapik siguro ng single na un hahahaha. tagal na eh. o baka nakita ko na siya dati, pinakawalan ko lang lol

    --
    Bons: oo sabi kase "hinihintay mo lang daw mapansin" haha. baka napansin mo nga eh kaso napakawalan pa. same here! haha

    ReplyDelete
  5. Yun oh, back to blogging na ulet si Kuya Bon :))

    Matagal na rin akong visitor at reader ng blog mo, ngayon ang ako nagkalakas ng loob mag comment hahaha!

    Natawa ako sa title ng post, maisingit lng talaga ung salitang single... sabagay nakaka relate ako jan lalo na dun sa quotes sa dulo :D

    --
    Bons: salamat po fiel! oo maisingit lang talaga muntik ko kase makalimutan yung title buti naalala ko. single ka den? haha! =)

    ReplyDelete
  6. 9:27

    Napadpad ba ako dito dahil single ako? haha. Dahil single ako at ni-click ko yung link?

    Minsan nakakapagod din mag-antay. Hopeless na sa mga salitang fate at destiny

    P.S: Hindi ko mafigure-out ang kung saan ang KSA.
    --
    Bons: ano yung 9:27? hehe salamat sa pagkakapadpad malay mo dito mo makilala yung taong masaya para sayo dahil single ka haha! Mae kung hopeless kana sa fate at detiny, idefy mona, do the first move hehe. salamat po uli!

    ReplyDelete
  7. Hahaha! mabuhay tayong mga single!

    ReplyDelete
  8. Kingdom of Saudi Arabia po ang KSA :))
    --
    Bons: Fiel dapat nag Pinoy Henyo muna tayo haha

    ReplyDelete
  9. ayyy.... sayang nakalimutan ko hahaha!


    9:27 AM, current time ata nung pinost ni Mae ung comment nya :D
    --
    Bons: at ikaw talaga sumasagot!? haha

    ReplyDelete
  10. Happy anniversary BONISTATION, naalala ko pa nga na pag wala pang post nuon dami mangungulit na nag aantay ng bagong entry. At sagutan talaga sa comment section.

    Newei, single ka? APIR! what's new? Hahaha lantod ng quote sa last part, parang kinilig ako tas biglang natauhan.... parang wala naman. Hihihi

    may anti spam quiz: di pa naman ako nag review
    --
    Bons: ahaha oo ikaw anyare sa blog mo? ^_^ ok talaga yung dati excited palagi pag may mga bagong topic, pati na si Jorge na walang ginawa kundi lumaboy hehe at sa kanya tayo natutong mag blog. single! apir!! nahirapan ka ba sa quiz hango pa yun sa integral calculus natin lol.

    ReplyDelete
  11. tama, darating din yan at magtatagpo din yung mga ngiti niyo para sa isa't isa :)

    congrats din dahil hanggang ngayon after 5 years eh nandito pa rin ang bonistation at sana magtagal pa! Ganun nga siguro pag mahal mo yung ginagawa mo di mo na napapansin yung panahon na ginugugol mo dito :-).

    P.S. super like yung anti-spam quiz, goodbye captcha lol

    --
    Bons: Hi Madz, gusto ko yang pagtatagpo ng dalawang ngiti haha. maraming salamat sa pagbisita at sisikapin kong magtagal pa talaga tong BS. =)

    ReplyDelete
  12. Nanahimik na blog ko, sumalangit nawa. Haha sana pwede i tag si Jorge dito sa comment haha.... Manggugulo yung pare, yaan mo na father's day naman. Toinks! (May toinks talaga)

    may spam quiz uli... Same answer! Ulet ulet!
    --
    Bons: bigla ako tuloy bumisita dun, naku nasa OZ pa pala haha ang tagal makabalik. YUng spam quiz eh sayo lang ulit ulit lol, baka daw kase mahirapan kapa

    ReplyDelete
  13. mag-aaply sana ako mag sub-admin dito nyahahaha :D

    --
    Bons: haha driver ng MRT lol

    ReplyDelete
  14. nakakamiss nga! ang tagal ko na din pala ngba-blog. dati, nagba blog lang ako dahil sumasali ako sa contests:D ngayon nagba-blog pa din ako, dahil sumali ng contest. pero pramis, na-miss ko kayo, ung mga ka xlinks ko sa wordpress. busy lang... pahabaan ulit ng comment? hahaha

    --
    Bons: Jongskie! oo nga no, nakakamiss yung mga dating kulitan sa comment haha, salamat at napadalaw ka at blogger-ganap kana talaga ha hehe. kaunti palang kase distractions dati wala pang FB nun or hindi pa sikat Friendster palang hehe tapos wala pang twitter, tingin ko nga Twitter killed blogging haha

    ReplyDelete
  15. oo nga kakamiss din yung dati, na halos everyday ang blog hop at lahat mag-iiwan ng comment.
    hmmm!...at sino nman kaya yung single na yun at masaya kang single pa din sya?? ahihihi!

    --
    Bons: Hi Ikay! nakakatuwa at nag cocomment na uli kayo dito haha mga dati kong classmate sa comments haha! yung single na yun eh ipapa Pinoy Henyo pa talaga siguro muna bago mahulaan haha. salamat sa pagbisita!

    ReplyDelete
  16. Ha? First move? Ayos lang ba yun sa lalaki? haha. Hindi ba magmumukhang desperada niyan? Dinaan ko na nga sa Message in a Bottle ang sakit haha malay mo makita niyang palutang lutang sa dagat. haha.

    P.S: Sinagot na ata ni Ms. Fiel ang tanong ko. Salamat ng marami.
    --
    Bons: oo ayos nayan, sa panahon ngayon dami dami ng brand ng cellphone (walang connect haha) baka hindi nakarating yung message in a bottle mo kung saan napadpad. =)

    ReplyDelete
  17. mgdilang anghel ka bon! hahah.. cno kaya stalker na yun ang tagal nya nman mgparamdam..lol.. nman kasi yung crush ko ayaw mamansin.. BAKa cya pa stalker ko bwahah

    --
    Bons: kung yung crush mo at stalker mo ay iisa. edi wala ka ng hihintayin pa haha!

    ReplyDelete
  18. As a new follower on Twitterverse, I'll jump in sa bandwagon and maki-comment na rin, hehhe..
    Yeah. Lately, I'd become more aware about the holyweek programs on our parish and yep, it's something worth the experience too so I agree. It's not just Pinoy Christmas to look forward to :)

    Lakas maka-JohnLloyd sa last line ah! anyways, napadalaw din ako sa kabila (Taragis!) at wow, bigatin ah? Galeng ng lay-out, smooth graphics, interface/presentation.. ooops, nasa bonistation pala ko, hahha!

    Next, ciao!
    --
    Bons: haha salamat VJ LG, 2 blogs agad navisit mo! =) madami din nga kasing activities pag holy week at yun nga nakakamiss yon. dalaw din ako sa blog mo! =)

    ReplyDelete
  19. Hahaha pwede din!

    Need pa ba ng licence?

    *evil grin*

    --
    Bons: oo kuha ka sa MMDA haha

    ReplyDelete
  20. Waaah! Mr. po ako huhuhuhu T__T

    Sounds pambabae lang ang name ko pero boy po ako T__T

    Pronounced as FEE-YEL po yan :D

    --
    Bons: Musta ka naman Miss FEE! hihi

    ReplyDelete
  21. Kaya nga nilagyan ko na ng "-KUN" sa dulo yung name ko para madaling ma distinguished na pang boy hahaha... sabagay kung hindi ka naman mahilig manood ng Animes or if you're not an enthusiast of Japanese culture, hindi mo rin mage-gets yung "KUN" sa dulo ng name ko :D

    ReplyDelete
  22. student license pa lang meron ako haha :D

    pang 3 wheels lang, eh ang daming gulong ng MRT XD

    ReplyDelete
  23. waww. wala atang signal sa bundok haha. nakabalik na ako sa muli. char. ok Mr. :) Mr. Fiel. Ok na?
    Ingat kayong dalawa.

    P.S: Happy Indie Day! :) <3

    P.S ulit: ang dali dali naman ng question sa anti-spam quiz, haha. pag subject ito sa kolehiyo baka 1.0 grade ko. wala bang trigo? haha :D

    JOKE! :)

    ReplyDelete
  24. Naiinspired si erge as mga blogs mo lalo na sa pagiging single,haha! Basta if may association daw join sya,lol!

    --
    Bons: haha single, relate!

    ReplyDelete
  25. It's my first time to visit dito sa blogsite mo Sir bon. Ayos sir ang iyong thoughts a.. Merong mga tinamaan dito... anyways sana sa expressway na dumaan ang the good One ko...at mkapagpakilala na dn...

    God bless...

    will be visiting form time to time

    --
    Bons: salamat po at bumisita kayo kahit medyo luma na yung mga posts! =)

    ReplyDelete
  26. oo nga kuya e... pro nainspire ako sa natraffic lang kc ibig sabihin darating dba... basta dun ako sa association sa merong darating...

    --
    Bons: Erg, pag tingin mo na traffic, sunduin o salubungin mo na lang haha, baka kasi along the traffic makuha pa ng iba, mahirap na. =)

    ReplyDelete
  27. Been inpired in your your blogs Sir Bon. HAHAHAHAHA! anyways, i will take time to read those blog of yours.
    that maisingit mo lang na quotes, got my attention. HAHA :)
    "Tandaan mo mayroong isang taong masayang single ka at naghihintay lang na mapansin mo siya."

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tsinelas ko motorsiklo

May bago akong tsinelas! Ever heard about Dupé? No’ng nagbakasyon ako sa Pilipinas, nagkaroon ako ng chance na gamitin ang tsinelas na ‘to =) a friend from Dupe-Philippines gave me a pair of this cool flipflops. And I must say, I like and I enjoy using it. Dupe-Philippines has re-launched the slippers last December 2010; it’s been 4 months now and I think the sales are doing great now. We all know that these days, slippers have been part of our regular fashions, nakakapunta na nga tayo sa mall nang nakatsinelas nalang di ba, pagandahan at papormahan ang labanan. Pero syempre, iba padin pag komportable ka, kahit magkano o gaano pa ‘yan kaganda mahalaga pa rin sa bandang huli kung gaano kakumportable sa’yo. Parang sa tao lang, masarap kasama pag alam mong palagay ang loob mo, pag alam mong sulit ang oras mo pagkasama s’ya. =)

Kamusta na kaya ang Dueg?

Dueg, Tarlac – napakalayo, mabundok, magubat, ngunit mala-paraisong lugar na minsan ay naging bahagi at nagbigay ng makabuluhan at masayang karanasan sa buhay ko.  Masarap alalahanin ang bawat minuto na inilagi ko sa lugar na ‘yon, matagal na panahon man ang lumipas, mananatili 'yon bilang isang “astig” na alaala.

Setup Helipad for Tomica Doctor Heli

I find a relatively small helicopter from Tomica collection at Robinsons' Toys R-Us for around Php 250. Tomica Doctor Heli, the scale is at 1:167. Though the scale size reads nearly N-scale, it's bigger than the usual n-scale model size. Nevertheless, it still looks nice with my current layout.