Nainspire ako sa blogpost ni bino tungkol sa usapang elementary. Kaya gagawa din ako, ang dami dami kasi nating mga karanasan nung kabataan natin, at minsan ang sarap lang balikan ng mga yun at matatawa ka nalang tapos maiisip mo na napakasimple lang talaga ng buhay noon tara simulan natin.
- Bago ang mga gamit mo bago magpasukan, mamimili na kayo ng mga gamit May palang, tapos tuwing bago matulog titignan mo yung mga yon, na excited ka ng gamitin, tapos ang babango pa, lalo ung eraser sarap kainin. Kahit di naman kailangan bukod sa bag dapat may plastic folder ka, yung see-through mas maganda kase para kita dun mga bolpen mo at kung ano ano pang gamit school na pambata.
- Excited ka sa unang araw ng pasukan, dahil nga bago ang lahat ng gamit mula sapatos hanggang sa kulay puting t-shirt. sa school magdadasal ka na sana nasa section mo parin ikaw at hindi ka nadala sa bulok na section, big deal yan lalo pag nasa section 1 ka, wag na wag lang malilipat ng section kasi parang nakakahiya. bakit nga kase kaya ganun, iba ang feeling pag nasa section 1, tapos ganun din pag nasa row 1. Basta pag mga isang linggo ka nang pumapasok nakakatamad na uli haha.
- Naalala mo pa ba yung desk? tatluhan yata or dalawahan tapos bawal na bawal sulatan yun, mortal sin, kutos ka sa teacher mo pag nakitang may sulat, at tuwing byernes mag iisis. kailangang magdala ng papel de liha o kaya naman aakyatin ang puno yung dahon ng pakiling, ang inam kaya nun!
- Nag garden din ba kayo sa school? tuwing hapon kasama yun sa subject pati na yung mga pananahi, pagluluto, pag bubunot ng sahig marami pang iba. yung mga tanim nakakatuwa kase pag malalaki na un pechay aanihin tapos iuuwi sa bahay ang sarap ng gulay. Pero pahirapan din ang poso nun, iilan lang ang poso sa loob ng school yun iba pa e exclusive lang sa ibang grade, makikisingit kalang kung mag iigib ka, kami kung saan saan pa nag iigib ng tubig na pandilig.
- Na experience mo ba yung bawat subject eh lilipat ng room? oras oras yata un lalakad para lumipat ng room, kung bibilangin ko siguro yung dami ng na "fall-in-line ko, napakahaba na. tapos minsan ihing ihi kana pero nagpipigil ka kase wala namang CR sa room, kung lalabas ka eh hahanap ka pa ng pader o kaya sa ilalim ng hall pwede na dun.
- Bibihira lang ang nagdadala ng payong nun sa mga boys, puro kapote sa lalake at pambabae lang yung payong. kaya minsan kahit mabasa itatakbo nalang wag lang makapagdala ng payong, pero nung nauso yung Jollibee na payong ayun lahat eh gusto magkaroon ang hirap nga lang bumili palaging limited edition. Nagkaroon yata ako nun kulay Pula.
- Ok lang pumasok ng naka tsinelas kasi huhubarin din naman pag pasok sa classroom eh, pambihira ayaw na ayaw ni mam madumihan ang sahig kaya sa labas nakahilera ang mga tsinelas, uso nun ang rambo, ang kapal hehe. Bibihira lang ang mga nagsasapatos at sila yung mga big time mong ka klase. ibang level sila at minsan sila din yung sinusundo pa ng mga magulang.
- Sandamakmak ang assignments pag weekend, yung halos wala ka na talagang magagawa pa sa bahay. Yari ka naman pag wala kang assignment, tatayo ka sa harap buong klase. Uso pa nun ang pagpapalo ng teacher, may mga masusungit talaga pero syempre may mga mababait din na adviser.
- Pag recess time na may nagdedeliver kay mam ng softdrinks at snack, basta iba yun sa kanya. Siguro dahil mahirap talagang magsalita maghapon kaya masarap palagi ang meryenda ni mam.
- Minsan may mga stage shows din sa school sponsor ng Colgate, may mga mascot natatadaan ko pa si Mr. Toothdecay, at namimigay din sila ng pencil case na parang lalagyan ng toohpaste pero hindi lahat nakakakuha kase bawat section limited lang, gingawa random pick sa listahan ni mam, mini-mayni-mo. Uso na pala randompick.org nun? hehe
- Pwedeng magdala ng mga laruan sa school para ipagyabang sa classmates pero dapat hindi makikita ni mam kasi kukumpiskahin.
- May pa feeding din pala pag may birthday kaya kailangan mong magdala ng isang tasa, platito at kutsara, may lagayan sa classroom na para duon lang tapos isosoli nalang pag tapos na ang school year.
- Inabutan ko din dati yung nutriban pero grade 1 lang yata ako nun tapos nawala nadin, hindi na tinuloy ng gobyerno wala na yata pondo. Pero yung iodize salt patuloy padin sikat na sikat si Dr. Juan Flavier dati. Pang masang pang masa kaya sya para lang si Dr. Eric Tayag ngayon na mahilig sumayaw.
- Nalista kaba as Noisy sa blockboard na may nakalagay 'Save this' lol. Mahal maging maingay sa klase diba?
- May boyscout camping ang grade 5 at grade 6, nakasama ako dun. Nakakahomesick lang haha. Kala ko eh madali lang pag unang beses kang mawalay sa inyo eh mahirap pala, pero sa jamboree madaming matutunan tapos ang daming activity pag gabi, pinakagusto ko dun yung hiking. Meron din naman camping para sa mga babae. Diko na alam ano mga ginagawa nila sa girlscout camp nila. Pero nasan na kaya yung kalabaw ko yung nilalagay sa neckerchief.
- Pag tagulan madalas din walang pasok, gusto mong pumasok, yung nanay mo ang pumipigil sayo, minsan di mo rin sila maintindihan. Hindi uso ang text nun kaya pag walang pasok wala talagang balita sa mga ka klase mo. Pati kay Mam hindi mo malaman kung may pasok ba o wala, minsan nasa school kana tsaka mo malalaman wala palang pasok at ang lakas lakas ng ulan.
- Yung bag mo saan madalas masira? sa zipper? o sa sukbitan, ang dami dami kasing libro na binibigay. Pero woy libre ng gobyerno! hehe. Basta iingatan mo lang talaga at kailangan lalagyan ng plastic cover, naalala ko pa dati sabi ni Mam, nagiginaw daw yung mga libro lalo pag umuulan kaya dapat daw lalagyan namin ng cover, eh di ibalot sa kumot o wag na ilabas sa bag? ginaw pala eh haha si Mam talaga.
- Naalala mo yung Formal Theme book? paulit ulit lang naman diba? Mula sa My Autobiography hanggang sa My New Year's Resolution, basta dapat sundin mo lang yung proper writing, walang lagpas at tama ang mga margin at indent ok na ok na, ang dami kong napilas na pages dyan napansin ni mam bat daw ang nipis ng theme book ko haha, bawal kasing magkamali sa pagsulat kaso ang problema pag pinilas mo ung isang page ka dugtong nung yung isang page pa uli, kaya dalawa agad ang mawawala sa pages. hihi
- Sa grade 5 magsisimula ng gumamit ng ballpen at kahit pakahirap ka sa dikit dikit na sulat mula grade 1 hanggang grade 4 eh pagdating mo sa grade 5 bahala kana, gothic ang uso nun! pwedeng puro capital letter o kaya puro small letter. Hindi naman talaga ibig sabihin ng all caps eh pasigaw, yun kaya sulat ko sa notebook ko hehe.
- Palagi ding may intern teacher, sila yung mga practice teacher, minsan nakakapag paiyak kami ng ganyan haha tapos kinabuksan eh hindi na sya assigned sa amin nag palipat na pala, meron din naman mga OA na ka klase na mag iiyakan pa pag ga graduate na yung intern, pero bago sila maka graduate mag dedemo muna. Field demo tawag? nakalimutan kona. Nung nag College nako nuon kulang naintindihan yung hirap ng pinagdadaanan ng mga interns hehe. Gganun pala yun, yun pala ang parang OJT nila.
- Pag undas naalala ko dun yung floor wax, kailangan mong magdala yung galing sa sementeryo, mas marami mas maganda hindi ko nalang matandaan ano ang incentives nun, basta may plus yun. Plus nga yata ang magic word ni Mam eh. Marinig lang namin yang plus nayan nako sisipag kami basta. Kaw din ba?
- Uso talaga ang pastillas nun, tinda yun ni Mam o kaya naman tinda ng teacher sa kabilang section na friend ni Mam, sus, tapos bawat row meron at dapat maubos yun sa maghapon. Pero masarap naman talaga yun pastillas pinagulong sa asukal at nakabalot sa papel de hapon.
- Masarap din pag December, magdadala ka ng parol para sa classroom, be proud pag napili ying parol mo na isabit sa hallway o kaya sa principal's office, panahon din yan ng field demonstration. Yung mass exercises pagkatapos nun Christmas party naman na pack lunch, madaming pa parlor games si Mam at meron ding exchange gift, sulit na sulit nuon ang pretzels, bimpo, toothbrush, mahal na yung pag nakakuha ka ng picture frame. Gasgas din taon taon ang larong "trip to jerusalem".
- Nakasulat ka din ba sa Slam Book? who is your crush? describe yourself? sasagot ka naman "just see me in person nalang" haha. Naisip ko lang kamusta na kaya yung mga sinagutan kong slambook nuon, sarap sigurong basahin uli ngayon non haha.
- Tanda ko pa dati kala namin maaabutan kami ng grade 7. Halos lahat yata ng elementary natakot dyan, graduate na graduate kana tapos mag grade 7 kapa, sila nalang di ba? buti nalang nga hindi kami naabutan nun.
- Elementary din ako nun sumikat sila Hulk Hogan, Ultimate Warrior, Jake the Snake at iba pa, bidang bida ka talaga sa klase pag napanood mo ang WWF.
- Uso din ang valentines card na gawa sa cocomban *bondpaper, ubos na ubos talaga ang krayola mo dyan para lang mabigyan si Mam, eh yung pang decor ni Mam na cupids naalala mo? Naisip ko nga loveable talaga mga teacher nuon kasi hindi nila pinapalampas ang February kailangan may dekorasyon sa classroom, may dalawang batang cupid na may hawak na puso na nakadikit sa pinto o kaya sa bawat sulok ng blockboard pwera pa yun mga nakasabit na puso sa kisame na parang parol.
Halos wala ng ginagawa pag march malapit na kasi magbakasyon, panahon yan para ihanda mona ang mga libro para isoli na kapalit ng report card na sana walang palakol. =) taragis!
First base! Kailangan first, kasi palaging first honor no'ng elementary LOL.
ReplyDelete--
Bons: ay ang talino, walang palakol kahit sa PE? lol
Naaalala ko ung formal theme! Madalas akong sipagin kapag formal theme na dahil paborito ko talaga to. Ung garden na yan ayokong pasukan. Ung mga EPP subjects dati na pananahi etc madalas akong mag 2nd try dahil alang alam. Hahaha sarap balikan ng nakaraan
ReplyDelete--
Bons: dyan tayo natutong mag kwento at sumulat ng maganda eh, at siguro dyan ka natutong mag blog sa formal theme haha. Yung gardening ga't maaari ayaw ko din yun pero kailangan talaga natin diba haha. yung pananahi nagagamit pag OFW kana, tulad ko malayo sa nanay haha, nagagmit ko yung natutunan ko pag nasisira shorts ko pati pagpapalit ng butones haha.
taragis detalye, galing ng memorya. paborito ko ang nutribun haha, star margarine ang palaman. eh na-experience mo ba mag boyscout camping na kasama ang tatay? lol sarap balikan, masarap maging lider, presidente ng class. at masarap din umuwi ng bahay na palaging may 100 na ipapakita sa nanay at tatay, may bayad kasing piso, waah kuripot pala lol. at natawa ako sa palakol, kinatatakutan ng lahat tuwing magtatapos ang taon haha.
ReplyDelete--
Bons: walang format yung pagkakablog ko lol, inapura ko lang yung memory ko baka kase makalimutan. ikaw kasama mo tatay mo sa camping? haha ayos. lider at president ka pala, edi exempted ka sa mga noisy sa blackboard haha. yung palakol ayaw natin at ayaw ng magulang natin yan hehe.
Parang yung book ni Bob Ong na ABNKKBSNAPLako? sa post na ito.
ReplyDelete1. Naaalala ko din yung mga pambura na amoy strawberry tapos ang sarap kainin, parang kendi lang haha.
2. Grade 1 lang ako naging section 2. Then from Grade 2 to 6, puro section 1 na ako lagi. Eh pano ba naman, maliit lang ang school namin dati kaya hanggang 3 sections lang.
3. Waah, naranasan ko din yung mag liha ng desk haha. Pakintaban pa nga labanan sa amin dati nun.
4. Yup, may gardening din kami nung elementary. Actually peyborit subject ko ang pagtatanim kasi nawawala ang antok at boredom ko pag nasa labas ng classroom. Yung school garden namin dati malapit lang sa ilog kaya dun na rin kami kumukuha ng pandilig sa halaman. Meron kaming 2 poso sa school noon, pero di ako umiinom dun, diarrhea lang aabutin mo sa tubig dun lol.
5. Hindi kami lumilipat ng room dati per subject, pwera na lang pag magluluto kami sa H.E. room.
6. Mas trip kong magdala ng payong noon kesa kapote. Hindi ako kumportable sa kapote, parang naso-suffocate ako lol.
7. Since public school din ako nung elementary, yeah allowed mag tsinelas. Actually mas preferred ko ang mag tsinelas kesa mag sapatos. Malamig sa paa.
8. Isang beses ko lang ata naranasan yung may stage show na sponsored ng Yakult. Tapos after nung show may freebies na Yakult lol
9. Sayang walang nutriban sa school namin dati lol
10. Ako lagi ang taga lista dati ng mga noisy sa klase namin haha... very behave kasi ako nun hahaha.
11. Naku, may bad memory ako jan sa tinunaw na kandila at hinalo sa floor wax. Muntik nang masunog yung likod ng classroom namin dati nung Grade 2 hahaha. Pasaway kasi yung isa kong classmate, eh kami ang cleaners nun, nagtunaw sila ng floorwax, kandila at nilagyan pa ng gas. Ayun, nagliyab. Panic sila eh hahaha. Buti napatay agad ung apoy lol.
12. Hindi ko na rin mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses nang nakumpis yung teks, holen at goma ko sa school haha.
Nakakamiss talaga ang elementary days natin!
--
Bons: salamat Fiel haha, ano to blogpost mona din sa comment? apir!
Uhm, how do I follow this blog? :D
ReplyDeleteahhmmm..me tanung lang po ako
ReplyDeletedid you ever meet with KASPANGARIGAN??
the one who responded in your blog here http://www.bonistation.com/2010/01/2010-ten-trivia-about-bons/
tnx
i am also from pangasinan ehh..