Skip to main content

Tinapay



Hindi naman talaga ako mahilig sa ganitong tinapay (kubus ang tawag) dahil karaniwan na ito dito, pero kanina may nagbigay, at habang nasa office ako, naisipan kong kainin pakonti konti.. naisip ko na naman, eto yung tinapay na walang lebadura (yeast, sana tama ako). walang pampaalsa, at ganito nga siguro ang tinapay na kinain ng buong tropa ni Jesus Christ nuong last supper. =)
Sa simple na tinapay na 'to, wala naman talagang lasa. =) pero ngayon parang naapreciate ko sya, naubos ko ang dalawang piraso na sing  bilog ng plato haha. Ganito nga siguro ang buhay noon, nung hindi pa uso ang kaunlaran at kung ano anong mga pagkain. Simpleng tinapay busog at masya na ang mga tao.



Have a blessed and meaningful holy week po sa inyong lahat!


Comments

  1. nung nasa dubai ako, madalas ko'ng kainin yan.

    Gaya mo, have a meaningful holy week sa yo :)
    --
    Bons: salamat bino! =) tinapay kasama ng broasted chicken or kaya meat chops hehe

    ReplyDelete
  2. Huwaw! Napapanahon ito parekoi! Have a blessed Holy Week parekoi! Godbless!

    ReplyDelete
  3. parang ostya :)

    masarap nga yan...

    ReplyDelete
  4. Sana mag-uwi ka nyan para makarelate kami. :)

    ReplyDelete
  5. masarap ang kubos lalo na kapag may garlic sauce o humos! :)

    ReplyDelete
  6. asan ang tagay?!?!? ooops, bawal ba??!?!? sige, dito na lang!!!! hehehe :D

    ReplyDelete
  7. parang pita bread yan noh, pero yan parang mas manipis. Baon ka pagbalik mo dito sa Pinas!hahaha demanding lang

    ReplyDelete
  8. alam mo bang baker king ang naiisip ko kapag nababanggit ang mga tinapay, yeast, pampaalsa, hehe

    holyweek na! duty ka rin ba?

    ReplyDelete
  9. yan pala ang kubus. may isang bakery dito sa sta rosa na ang pangalan ay kubus. naisip ko noon, san kaya galing yung name nung bakery niya? kala ko sa pinagsama samang pangalan ng anak niya or something. hahahha! now I know. baka galing din ng middle east ang may-ari.

    ang gusto ko namang tinapay ay yung monay bae. yun ang hinahanap hanap ko...

    have a blessed holy week din, bon!

    ReplyDelete
  10. parang masarap yan pag may kasamang kape ?

    ReplyDelete
  11. ayos to sabay sa lent hehe and i suggest dapat yan lang ang kinakain..pero masarap din yan i-wrap sa roasted chicken tapos may masala dip. ay dapat fasting nga pala hahaha.

    have a meaningful holyweek tol. happy easter too!

    ReplyDelete
  12. That bread looks interesting. Never tried that before. San kaya makakabili niyan sa Manila?

    ReplyDelete
  13. senior khobarianMay 5, 2011 at 8:09 PM

    'unleavened bread'?

    ReplyDelete
  14. Ako nung pers taym kung kumain nito ay matatawag kong funny. Elementary ata ako nun nung pumunta kami sa Saudi para magbakasyon tapos pagdating sa bahay, gutom na gutom na ako nun. Nang makita ko ang kubos ang akala ko talaga ay yun ang tinatawag na "Manna" sa Bibliya. Actually pwede rin siyang matawag na "Manna" kasi nasolusyunanyung kagutuman ko nun. haha

    ReplyDelete
  15. Di ko yan pinapansin pero pag umuwi ka na sa pinas mamimiss mo ito sigurado.

    ang simple nga ng pagkain nila kubos at kung ano mang ulam na meron sila ayos na. ang mura lang misan libre pa ang kubos.

    ReplyDelete
  16. Gusto ko yan! Lalo na pag may cheese, mayo, chicken at pipino sa loob tas iro-roll mo! Instant KFC Calfornia Maki whakhakhak!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tsinelas ko motorsiklo

May bago akong tsinelas! Ever heard about Dupé? No’ng nagbakasyon ako sa Pilipinas, nagkaroon ako ng chance na gamitin ang tsinelas na ‘to =) a friend from Dupe-Philippines gave me a pair of this cool flipflops. And I must say, I like and I enjoy using it. Dupe-Philippines has re-launched the slippers last December 2010; it’s been 4 months now and I think the sales are doing great now. We all know that these days, slippers have been part of our regular fashions, nakakapunta na nga tayo sa mall nang nakatsinelas nalang di ba, pagandahan at papormahan ang labanan. Pero syempre, iba padin pag komportable ka, kahit magkano o gaano pa ‘yan kaganda mahalaga pa rin sa bandang huli kung gaano kakumportable sa’yo. Parang sa tao lang, masarap kasama pag alam mong palagay ang loob mo, pag alam mong sulit ang oras mo pagkasama s’ya. =)

Kamusta na kaya ang Dueg?

Dueg, Tarlac – napakalayo, mabundok, magubat, ngunit mala-paraisong lugar na minsan ay naging bahagi at nagbigay ng makabuluhan at masayang karanasan sa buhay ko.  Masarap alalahanin ang bawat minuto na inilagi ko sa lugar na ‘yon, matagal na panahon man ang lumipas, mananatili 'yon bilang isang “astig” na alaala.

Setup Helipad for Tomica Doctor Heli

I find a relatively small helicopter from Tomica collection at Robinsons' Toys R-Us for around Php 250. Tomica Doctor Heli, the scale is at 1:167. Though the scale size reads nearly N-scale, it's bigger than the usual n-scale model size. Nevertheless, it still looks nice with my current layout.