kuya,
ilang araw na lang fulfilled na ang pagiging daddy mo.. alam ko sobrang excited ka. wala na yatang mas pinakamasayang tao sa mundo kundi ang tatay ng isang batang bagong panganak. (parang well-experienced naman ako,.huh! weh!) haha. eniweys! congrats kuya! at siguru timing na din para makuha ko yung chance na to para pasalamatan ka sa lahat lahat ng mga ginawa mo para akin, diba nga kwento ng ate natin habang ipinapanganak ako (april 3, 1980) at dalawang taon gulang ka palang non nakikipag laro ka sa aso ng kapitbahay ayun nakagat ka daw? hikhik. kaya nadala ka pa sa center at tinahi ang noo mo, natakot yung aso naglayas at nawala na lang basta.. ^^
bilis din ng panahon. naalala ko dati ikaw pa ang kasama ko palagi sa pag ba bike kahit madalas iniiwan moko at hindi kita maabutan! adik ka kaya sa bike halos yon palagi pinapabili mo sa tatay! syempre kuya kita palagi gusto mo ang nasusunod pag me package tayu galing saudi yung magagandang kotse (matchbox) ang napupunta sayo..
may nagbigay pa nga dati sau isang complete set ng toy-train ang ganda nun! parang hindi naman sya laruan kasi pang display and dating at di kuryente pa! galing din yata un sa saudi diba? bigay ng ninong mong matagal ng nawala at bumawi ng todo kaya binigyan ka ng ganun pero malaunan ang ginawa natin sa train kung ano ano na, ginawa ko pa ngang bus ang isa dun eh! tapos ikaw naman pinagexperiment mo yata ang kuryente ayun naging grounded ang buong railway eh pano pa natin malalaro yun tuwing hahawak tayo may ground! amp! para ka kasing mekaniko or siraniko lahat kaya ng laruan natin binabaklas mo kahit nga hindi na sayo binubuksan mo pa para lang makita mo kung ano yung laman sa loob at kung paano umaandar bat nga pala dika nag automechanic? hehe. may naalala nga pala ako itatanong ko lang eh bat mo ba sinira ung batman na laruan ko! kahit plastic lang maganda at gusto ko yun! nag-agawan lang tayo tapos ayun tinadtad mo na ng kutsilyo at itinapon! taragis hindi ko makalimutan yun wala naman ako magawa syempre kuya kita at takot pako sayu nun!
ikaw din nagturo saken kung pano gumawa at gamitin ang tirador! suki tayo sa palengke. paiba iba ang rubber na ginagamit natin may decolores pa nga. tapos hahanap lang tayu ng sanga ng puno ng bayabas na dapat perfect "Y". hindi ko rin makalimutan sobrang pinagalitan ka minsan sa bahay at napalo ng husto kasi madami kang gasgas sa binti nahulog ka yata sa bike tapos hindi mo sinabi sa nanay pero nalaman padin ayun napagalitan at napalo kapa tuloy.. naawa ako sayo nun..
naging kaagaw din kita sa family computer natin pero si ate weng ang matindi itinatago ang adoptor! san ka pa! pano tayo maglalaro kung wala yun. nung highschool ka ayaw mo mag CAT kala mo naman pedeng walang ganun buti nalang at napilit ka ng mga kaibigan mo na kahit papano pumasok. naalala ko padin bago ka mag college sabi nanay sayo "o wag ka garu garu don baka mabagsak mo computer mahal yun" haha hinding hindi ko makalimutan yun at natatawa ako pag naalala ko! eh napakalikot mo kase kaya ayun kahit mag ka college kana pinapaalalahanan kapa. sabagay mahal nga yun, hindi pa nga natin kilala nun ang computer basta ang alam natin "yung computer kayang sagutin lahat ng tanong" ganun kagilas sa isip natin ang tragis na computer!
pero habang college ka 3rd year high school naman ako nun at nun natin naranasan na mabuhay ng tayo tayo lang at walang magulang sa bahay dahil pareho na silang nasa abroad. nahirapan ako.. alam mo ba na sayo lang ako kumakapit nun.. kahit wala magulang natin may natatawag padin akong kuya. at isang malaking bahagi yun ng pagbuo ng sarili ko. alam ko na kahit ano mangyari nandun ka para sa akin. kaya nga computer course nadin kinuha ko dahil ikaw ang idol ko. naalala mo ba isinama mo pa ako malapit sa school nyo para lang mag rent ng computer at makagamit ako ng colored monitor dahil sa school namin black and white. tuwang tuwa ako sa colored nun. kahit ba windows 3.11 palang ang gamit natin. nung binigyan tayo nanay pambili ng computer ikaw nga yung pumunta sa manila at ang ganda windows95 na! tapos pag na ba virus ko dahil kung ano anong disket ang inilalagay ikaw din ang taga linis wala pa naman ako alam nun syempre ikaw magaling sa computer.
ilan lang yang mga binanggit ko sa sobrang daming pangyayari na pinagdaanan natin mula pa noong pagkabata. basta ang alam ko ikaw lang ang nag iisa kong kuya at kahit hindi mo man sinasabi, ramdam ko ang pagpapahalaga at pag iingat mo sakin mula noon hanggang ngayon. kaya kuya! salamat sa lahat.. palagi akong proud sa 'yo!
taragis! ganda pa ng pangalan mo..
Bryan Talampas
Update: its a boy!
Name: Emmanuel Angelo I. Talampas
Born : April 28, 2009 ; 11:37pm
bons
**
I've learned...
that family and friends are what make
us who we are today, and without them
we would never be complete.
ilang araw na lang fulfilled na ang pagiging daddy mo.. alam ko sobrang excited ka. wala na yatang mas pinakamasayang tao sa mundo kundi ang tatay ng isang batang bagong panganak. (parang well-experienced naman ako,.huh! weh!) haha. eniweys! congrats kuya! at siguru timing na din para makuha ko yung chance na to para pasalamatan ka sa lahat lahat ng mga ginawa mo para akin, diba nga kwento ng ate natin habang ipinapanganak ako (april 3, 1980) at dalawang taon gulang ka palang non nakikipag laro ka sa aso ng kapitbahay ayun nakagat ka daw? hikhik. kaya nadala ka pa sa center at tinahi ang noo mo, natakot yung aso naglayas at nawala na lang basta.. ^^

may nagbigay pa nga dati sau isang complete set ng toy-train ang ganda nun! parang hindi naman sya laruan kasi pang display and dating at di kuryente pa! galing din yata un sa saudi diba? bigay ng ninong mong matagal ng nawala at bumawi ng todo kaya binigyan ka ng ganun pero malaunan ang ginawa natin sa train kung ano ano na, ginawa ko pa ngang bus ang isa dun eh! tapos ikaw naman pinagexperiment mo yata ang kuryente ayun naging grounded ang buong railway eh pano pa natin malalaro yun tuwing hahawak tayo may ground! amp! para ka kasing mekaniko or siraniko lahat kaya ng laruan natin binabaklas mo kahit nga hindi na sayo binubuksan mo pa para lang makita mo kung ano yung laman sa loob at kung paano umaandar bat nga pala dika nag automechanic? hehe. may naalala nga pala ako itatanong ko lang eh bat mo ba sinira ung batman na laruan ko! kahit plastic lang maganda at gusto ko yun! nag-agawan lang tayo tapos ayun tinadtad mo na ng kutsilyo at itinapon! taragis hindi ko makalimutan yun wala naman ako magawa syempre kuya kita at takot pako sayu nun!
ikaw din nagturo saken kung pano gumawa at gamitin ang tirador! suki tayo sa palengke. paiba iba ang rubber na ginagamit natin may decolores pa nga. tapos hahanap lang tayu ng sanga ng puno ng bayabas na dapat perfect "Y". hindi ko rin makalimutan sobrang pinagalitan ka minsan sa bahay at napalo ng husto kasi madami kang gasgas sa binti nahulog ka yata sa bike tapos hindi mo sinabi sa nanay pero nalaman padin ayun napagalitan at napalo kapa tuloy.. naawa ako sayo nun..
naging kaagaw din kita sa family computer natin pero si ate weng ang matindi itinatago ang adoptor! san ka pa! pano tayo maglalaro kung wala yun. nung highschool ka ayaw mo mag CAT kala mo naman pedeng walang ganun buti nalang at napilit ka ng mga kaibigan mo na kahit papano pumasok. naalala ko padin bago ka mag college sabi nanay sayo "o wag ka garu garu don baka mabagsak mo computer mahal yun" haha hinding hindi ko makalimutan yun at natatawa ako pag naalala ko! eh napakalikot mo kase kaya ayun kahit mag ka college kana pinapaalalahanan kapa. sabagay mahal nga yun, hindi pa nga natin kilala nun ang computer basta ang alam natin "yung computer kayang sagutin lahat ng tanong" ganun kagilas sa isip natin ang tragis na computer!
pero habang college ka 3rd year high school naman ako nun at nun natin naranasan na mabuhay ng tayo tayo lang at walang magulang sa bahay dahil pareho na silang nasa abroad. nahirapan ako.. alam mo ba na sayo lang ako kumakapit nun.. kahit wala magulang natin may natatawag padin akong kuya. at isang malaking bahagi yun ng pagbuo ng sarili ko. alam ko na kahit ano mangyari nandun ka para sa akin. kaya nga computer course nadin kinuha ko dahil ikaw ang idol ko. naalala mo ba isinama mo pa ako malapit sa school nyo para lang mag rent ng computer at makagamit ako ng colored monitor dahil sa school namin black and white. tuwang tuwa ako sa colored nun. kahit ba windows 3.11 palang ang gamit natin. nung binigyan tayo nanay pambili ng computer ikaw nga yung pumunta sa manila at ang ganda windows95 na! tapos pag na ba virus ko dahil kung ano anong disket ang inilalagay ikaw din ang taga linis wala pa naman ako alam nun syempre ikaw magaling sa computer.

taragis! ganda pa ng pangalan mo..
Bryan Talampas
Update: its a boy!
Name: Emmanuel Angelo I. Talampas
Born : April 28, 2009 ; 11:37pm
bons
**
I've learned...
that family and friends are what make
us who we are today, and without them
we would never be complete.
congrats, big daddy ka na pala!
ReplyDeleteang kuya ko, mahilig din yun sa computer. nung bata pa kami ay family computer din ang uso. back to the 90s pa yun. napalitan na lang ng sega nung late 90s. Mahilig siya sa mga laban laban, ako naman sa adventure. tatapusin namin ang isang console game nun. ayaw ko na hindi natatapos, tapos pag may papatay sa kanya sinasakripisyo ko yung player ko. sabi niya wag daw ako magpadalos dalos. wag ko daw isakripisyo ang isang life ko para sa kanya. hehe. pero i can't seem to learn how to not sacrifice para sa kanya kahit sa ganoong laro lang.
reminiscing back then, nung makikipagsapakan siya dati nakisapak din ako. natawa ako wala pa namang nagsusuntukan pero ako susuntok na. para akong tanga! di ko naman kaaway. hehe.
may tanong lang ako, bat mo sinira yung batman?!
---
gandang article. sarap basahin!
salamat po sa pag read! ^^ astig ka pala ha! nakikipagsuntukan na kahit wala pang suntukan! parang wala sa looks mu? ahehe. biro lang.. ibang klase talaga pag kapatid mo! lahat gagawin mo or gagawin nya para sayo..
ReplyDeletehaha hinirit pa uli ang tanong... "bat mo sinira yung batman" =( hindi ko talaga din makalimutan yun hehe..
anyway salamat pow!!! ^^
cheers!!
ayan isa na nmang pangpamilyang post..mababasa ba to ni kuya?..
ReplyDeletepara kay kuya,CONGRATULASHEN namen malapit ka nang maging daddy.^^ {sarap ng may baby sa bahay,lagi kang magmamadaling umuwi kase gusto mo syang kargahin,laruin at ipaghele}
ang mga kuya naman talaga ganyan yan mapaglamang minsan sa mga nakakabatang kapatid.at tayo nmang mga nakakabatang kapatid madalas walang magawa kase nga kuya mas matanda sa atin kaya dapat lagi tayong susunod sa kanila.naalala ko nun si kuya ko madalas ako paiyakin nun kase napakaiyakin ko nun.konting asar lang nya iiyak na agad ako nun.naalala ko nga dati pinunit nya ung pinaglalaruan kong paper doll nagalit ako sa kanya at maghapon akong umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog ako.pag gising ko nakita ko may bago na kong paper doll nagpabili pala sya sa nanay namin para makabawi sa kin..natats nman ako sa kanya.pero dahil may pagkamalditing ako nun ndi ko pa rin sya pinansin kahit pinalitan nya ung pinunit nyang laruan ko..hehehe
ay ang sweet naman pag gising may bago ng paper doll.. see bumawi sya agad! ^^
ReplyDeletenapakaiyakin maghapong umiyak haha. sino ba naman hindi matataranta pag ganun haha. well salamat po sa pagbabasa.. ang haba ng comment na excite ako.
thanks! be safe always!
maswerte ka buhay pa kuya mo, kase ang kuya ko wala na sya..katulad ng karanasan mo sa kuya mo ganun din ang kuya ko sa akin..malimit kaming magdama noon pero lagi akong talo dahil dinadaya nya pala ako, sempre bata ako sa kanya kaya ang siste e talo ako kahit alam kong daya lang nya yon..pero kahit ganun kakamiss ang kuya kong yon dahil nung mga binata na kami ay sya ang aking naging idolo sa buhay dahil magaling syang maghanapbuhay noon..sya pa nga yong tumayong tatay noon dahil may sakit si tatay..siguro i-post ko rin sya para maliwanag ang wento..salamat tol sa dalaw at sa mga mensahe na nakakataba ng puso...
ReplyDeleteganun ba. well san man sya naroon ngayon proud yun dahil nakikita nya ang sarili nya ngayon sayo..
ReplyDeletepag mas bata mas malaki ang tendency na malamangan talaga ng mga kuya no? hehe pero kahit ganun sila din naman ang takbuhan natin pag me konting problema ung kaya pang solusyunan syempre pag mabigat na sa magulag na yun..
sige abangan natin ang blog entry mo nayan! ^^
cheers!
wow naman... katuwa ang post mo. your kuya should read this one. pag nakakabasa akong ng mga ganitong post, semi-naiinggit ako. only child ako so i never had (and will never get) the chance to experience a love and friendship of a sibling.
ReplyDeleteat sa iyong kuya, congrats sa kanya. i hope he'll be a very good daddy for his child.
GBU both!
sus walang wala yang excitement na yan kapag galing kay *toot* ang comment na binabasa mo..hihihi^^
ReplyDeletequestion..nagbabasa nga ba sya nitong blog mo?...hehehe
hehe. sorry, akala ko ikaw ang kuya. sulat mo pala yan para kay kuya. pabayaan mo na si batman, wala namang lovelife yun eh.
ReplyDeletekudos sa iyo sa post na ito! hehe. sarap talaga basahin!
Naks.. Kuya bryan, parang c kuya ko lang madalas panira ng laruan ko! Nyahaha
ReplyDeleteCongrats sa magiging baby nila kuya bryan, may kakulitan nga pala talaga sya.
K.bryan, uy palitan mo batman ni bon! üü congrats daddy bryan!
ansarap siguro talga nung may kuya noh? yun alam mo na may magtatanggol sa'yo sa lahat... ako kasi ang eldest kaya wala rin kuya pero dalawang barako ang sumunod sa akin. kahit mga barako yun, ako pa rin ang takbuhan nila. hay, sana nagka-kuya din ako dati...
ReplyDeletecongrats sa kuya mo :)
aaaaaaaaahhhhhhhh.... i was moved by this post. (di dahil naalala ko kuya ko, dahil naalala ko toy ko na superman! nayahahaha! toinks!) lolz!
ReplyDeleteUna, MABUHAY ang BAGONG TATAY!!!! HEP HEP???? (sagot naman mga bloggers!!!!)
Wala na atang sasarap pa sa pagiging isang ama, lalo pag nadinig mo na ang unang beses na matutunan niya na tawagin ka.
Nice Post bro! Isa lang masasabi ko. YOU ARE BOTH LUCKY TO HAVE EACH OTHER AS BROTHERS!
KUDOS BONS!!!
Uy, congrats kay kuya bryan, naks! Magiging big daddy na pala sya, hehehe.. Eh ikaw kaya? toinks!!
ReplyDeleteGanda nmn ng entry na to tungkol kay big bro mo, sana ako din may kuya kaso wala eh, dapat kinuwento mo din kung pano kayo magbuno at mag away para masaya, hehehe..
Namiss ko ang ganitong sulat mo parekoi, keep the fire burning! Sulat lang ng sulat!
"All for one and one for all
ReplyDeleteMy brother and my friend
What fun we have
The time we share
Brothers 'til the end." - leojqm
Love our siblings.
nice 'tol.
wala ka talagang kakupas kupas. ang sarap alalahanin ng mga pangyayaring bumuo sayo bilang isang tao na sya ring humubog para maging isa kang tunay na TALAMPAS.
ReplyDeletenice post bons... buti ka pa may kuya.. ako may kuya pero nasa malayo sya.. kaya lumaki ako kasama ko ate ko.. syempre iba trip namin sa buhay.. pero iba pa rin yung meron kang tinitingala at inaasahan.. kaya di ko pa rin ipagpapalit ang ate ko.. swerte ni kuya mo at may tulad syang brother na tulad mo...
ReplyDeletewow kungrats kay kuya sa new baby...
ReplyDeletekami aman ni kuya magkasundo nung bata pa..pero nung tumanda na kami ,mga hayskul, yun dun kami mea't mea away..ahaha
wow ang ganda naman ng post mo ngayon boni....waahhhhh (iyak muna)....kasi wala akong kuya...ako kaya ang panganay....
ReplyDelete...dito sa post na ito masasalamin ang lalim ng samahan ninyong magkuya.....salamat sa pagsisiwalat at pagbabahagi ng iyong kwneto....congrtaz pala kay kuya
wala na akong masabi at nasabi na lahat. gusto lang kitang palakpakan (at STANDING pa yan!)
ReplyDeleteAPPLAUSE! APPLAUSE! APPLAUSE!
wow only child ka pala. unica hija! kaswerte ng parents mo dahil may magandang anak sila. ^^
ReplyDeletesalamat po sa pag dalaw dito!
4 times mong sinabi ang bryan! hahahayss~ may kakulitan ka din eh no? hehe
ReplyDeletemiss kona si kuya topet, nabilan monaba sya ng .dll files? hehe
ikaw pala ang ate. masarap din may ate. kami ng kuya ko may mas matanda pa sa amin, dalawang ate.. kaya sumbungan ko din un hehe
ReplyDeleteso magtatanong paba kung bakit mahilig ako sa batman? ahaha. anyways! hurey hurey! (slang)
ReplyDeletepalagay ko naunahan lang kita ng post about "kuya" your about to write cv_ko ng kuya mo diba?! ahaha. cool!
salamat sa pag daan!dito kahit naka expressway ka eh sumasidline kapa sa bonistation nyehehe
boy ang magiging baby nila! ^^ kaya lalong mas masaya.. eh only boy ka kaya walang kuya ^^ kung ilalagay ko ang pagbuno at away ay baka humaba haha masyadong maraming ganun kaganapan eh heheh.
ReplyDeletesalamat sa pagbabasa at pagsuporta! (naks feeling artista na naman ako)
nice shot! thanks 'tol! ^^ regards sa mga bros mo!
ReplyDeletenaks! salamat sa mga sinabi mo, masarap talagang balikan at isipin ang mga pinagdaanan, mga ala alang naging bahagi ng pagkabata na naging malaking bahagi kung sino man kami ngayun!
ReplyDeletecheers!
arigato!~ musta dyan sa japan engr pot! saya naman at dinalaw ako ng isang mabangis na blogger!
ReplyDelete^^ sarap basahin mga sinabi mo hehe.
haiz... ang sweet ang sarap maging kuya... pasensya na di ako active sa blog kasi busy sa mga students ngayon...hehehe!
ReplyDeleteahehe. ganun yata talaga lalo pag magkasunod,. nandun kase ang competition! pero in the end kayo't kayo padin magkakampi!
ReplyDeletesalamat blurose! mas bilib ako sa mga panganay kase sila ang tumitingin sa mga nakababatang kapatid..
ReplyDeletecheers!
how touching nman ang message mo sa kuya mo bons. bilib ako sa bonding nyong dalawa.
ReplyDeletesana ako rin my kuya para may mgttanggol sa akin sa lahat ng oras..hehehe
ako wala akong kclose sa mga kapatid ko kasi masyadong clang matalino.huhuhu!kasi yung ate ko at saka yung dalawang sunod sa akin mga hitech ang talino nla.hindi ko maabot ang rurok ng utak nila!
swerte rin ako ksi ginawa kong cla inspiration para maabot ko ang kinallagyan ko ngyn.( grabe! ang drama ko) bwahaha
tenk u sa pginvite sa akin sa blog mo!
aabangan ang nxt mong blog.
nga pla congtaz sa kuya mo!
kuya tong si mang badoy! swerte ng kapatid mo!! hehe! ge lang pakadalubhasa ka muna dyan sa mapua..
ReplyDeletesalamat sa pagbisita! wow family ng matatalino pala kau! pero syempre iba iba padin naman ang hilig kahit magkakapatid it doesnt mean magkakatulad... cheers at congrats din kung ano ka man ngayun!
ReplyDeletethanks po!
welcome palagi!
ang sweet niyo namang mag kuya!! pangarap ko din magkaroon ng kuya dahil wala naman masyado ang aking ama sa aking background!! sana may kuya din akong tulad niya! ^^
ReplyDeleteHi little bro... I was so touched.. now i know the reason behind kung bakit paborito mo si batman until now.. grabe nung araw pa lang pala ganito na ang ugali ng kuya mo.. sobra ako naiyak kasi kaswerte ko at napangasawa ko ang kuya mo na ganda ng ugali.. ahihi...pero tama ka.. he will always protect his loved ones.. ganon ginagawa nya skin kaya super ako na inlove... mas marami sya ugali na mabuti at maipagmamalaki mo.
ReplyDeleteI know he will be a good husband & a good father to our kids.
hello, ganda nmn ng nabasa ko, sobrng ganda ng smahan nyong mag kuya,kya siguru ur so proud of him.. i met kuya bryan and he seems so nice kuya tlaga... well i have no brother,siguru kung merun man,he will probably taking care of me too.. (peru hndi sna aku papaiyakin)
ReplyDeletehmm.. congrats nga pala kay kuya brayan..blita ko naiyak padw sya?! hehe.. tears of joy..
answer: yup.. nagbabasa nman daw sya.. hehehe
hay naalala ko na naman at pagkagusto ko ng big bro...panganay ako at 4 na pekpek kami kaya kakainis! walang taga saway..walang taga tanggol..
ReplyDeletecongrats kay kuya bryan ( feeling close )
whewww buti na lang unlimited internet connection ako...ang haba...
ReplyDeletepero syempre bilib pa rin ako sa entry mo...naiyak pa ata ako...hahaha ang drama...lalo na yung part na tumayong magulang image ang kuya nung wala ang mga magulang mo. at inidolo mo pa ang kuya mo...hindi man ako kuya...ako naman ang ate...now i wonder naging magandang ehemplo kaya ako sa mga kapatid ko lalo na nung sa murang edad ko eh kinailangan tumayong bilang nanay con ate sa mga kapatid ko nung kinuha na ni Lord si mama...wheww mahirap kaya maging ate ... heniways...bilib ako sa pagpapahalaga mo sa kuya mo at sa pamilya mo...wag mong kalimutan malayo ka man sa pamilya mo sa pinas...andito pa rin kaming mga rockstars kapamilya mo dito sa saudi...ingats bro!
ang ganda nman talaga ng me kuya...ako puro lang ate...he he he..
ReplyDeletesalamat pareng dencio! sarap naman ng pakiramdam na palakpakan ng isang magaling na blogger hisnameisdencios!
ReplyDeleteHaha... natawa uli ako sa .dll ni Kuya! Haysss... lam mo ba na nasa bus ako papunta pa lang sa wedding ni Buyoy bigla tumawag si kuya abat kalain mo ba naman wag ko daw kalimutan ang "Souvenir" at nanigurado lang kung may dala daw ba akong plastic... haysss... SI kuya talaga! hehe
ReplyDeleteNeweis, yaan mo na yung batman mo, may kapalit naman na pamangkin... sa tingin mo BATMAN kaya ipangalan kung lalake tas kung babae.... ahhh eeehhh... TINA! Nyahaha kala mo ha!
hmmm, big bro, kuya, manong... ala kc ko niyan di tuloy ako makarelate...
ReplyDeletepero gusto ko din magkapatid ng lalaki mas bata man o mas matanda... pero di na talaga pwede... hehe
=nakakatuwang basahin ang entry mo bro nakaka relate ako dahil ako ang kuya sa dalawa kong kapatid masarap talagang maging kuya,Taga pag tanggol sa lahat ng bagay at kailangan maging huwaran ka sa mga kapatid mo.Pinabilib mo ako sa pag hanga mo sa kuya mo.Ang sarap mong maging kapatid^^.Ayan my pamangkin kana ayos na ayos makakabawi na sayo kuya mo hahahaha..
ReplyDelete=idol ka ng lahat walang kupasss.....galing mo bon's!!
*sniff sniff* punas-uhog
ReplyDeleteNabasa na ba ni Kuya 'to? Ingget ako kase I've never had a Kuya. :(
Yun lang lamang nya sayu, angganda ng pangalan nya nyahahaha.
Congrashuleyshens kay Kuya po! :)
hehe. lighter side lang yan. meron din syempre suntukan ^^ nyahaha!
ReplyDeleteenjoy life!
salamat sa pag basa ng entry! ^^ haha alam na yung reason behind batman! nice naman ng sinabi mo
ReplyDelete"mas marami sya ugali na mabuti at maipagmamalaki mo" yan ang kuya ko! ^^
hello at welcome sa aking mahal na reyna! maraming salamat kamahalan sa pagdalaw dito.. ^^
ReplyDeletekung may kuya ka naku baka sobrang mahirapan ako nun kasi todo bantay yun haha...
cheer up na po, wala mang kuya.. nandito naman na ako, i will take care of you no matter what.. naks! nagligawan dito! hehe
love you! strong>
haha apat na pekpek! ^^ hmm! lols! salamat powkie sa pagdaan dito nagdulot ka ng munting saya hekhek!
ReplyDeletenabasa na to ng kuya ko at close na daw kau! haha
thanks po sa suporta rockstars kapamilya sa saudi! naks!
ReplyDeletealam ko namang naging magandang ehemplo ka sa mga kapatid mo kasi isa ka namang huwaran ayon sa pagkakakilala ko sayu.. ang lalim naman! nang aano ka eh! hehe! eniweys! keep on rockin tita frAncoiz! ^^
dotaaa naa!!
ang mga ate mahilig mag utos! pati pagbili ng napkin iuutos haha
ReplyDeleteay sad.. sige ako nalang kuya mo dito sa blogosphere! ^^
ReplyDeletecheers!
woi! rockstar ng qatar~ welcome to bonistation! salamat bro sa pagdalaw at sa patuloy na paniniwala sa idol mo hehe! ^^
ReplyDeletealam kong mahal na mahal mo dalawang kapatid mo swerte sila at may magaling silang kuya na handang sakripisyo ang lahat para sa ikabubuti nila!
sa huli nasa yu padin ang mas magandang tagumpay bro!
dahil ang kapamilya! walang iwanan!
sa tagalog *singhot singhot* haha uhugin tong si joycee oo! ang daming walang kuya dito hmm naisip ko lang ibusiness ko kaya ang kuya.. pede na nga akong maging kuya in a minimal fee hmm. eto na yata ang sagot sa lumalalang crisis ah! ^^
ReplyDeleteayan kilig na kilig ohh..si pagibig dinalaw sya...nyahahah
ReplyDeletehello ms.nice^^
ay congrats kay kuya!kbirthday ni bossing vic ah.. at kapangalan p ni polo..sana sing healthy cya pero d singkulit ni polo noh?!?!?heheh!!!
ReplyDeletee wala din ako kuya..pero madami akong kuya kuyahan kaya n feel ko din.heheh..
susunod n post mo e ikaw nman ang i co-congrats..wehhh!!hahah..sundan n ang yapak ni kuya!
bons, grabe! nahuli na pala ako.. daming komento.. ang hahaba pa :)
ReplyDeletenatats naman ako sa post mo..panganay kasi ako sa amin magkakapatid..
ganda nitong post at ang galing mo!
Kongrats sa Kuya mo..
wow salamat sandi! huli man daw at magaling.. hmm huli padin ahaha! salamat nakaktaba naman ng puso yang sinabi mo hihihi...
ReplyDeleteUy parekoi, congrats kina kuya bryan!! Nadagdagan na ang pamangkin mo! Godbless!
ReplyDeleteeh bebe pa ko kaya uhugin ehehehe.
ReplyDeletemay bayad?? amft wag na dun nalang ako kay Kuya Buyoy o kay Jorgie boy libre pa! nyehehehe..
naku wag naman nga sana kasing kulit ng anak mong si polo haha! (teka parang anak ko ang pinag uusapan natin dito ah, tito lang ako.. wag masyado pumapel hehe)
ReplyDeleteabout sa susunod na post masasabi ko lang ay hmm.. ^^
wala pong bayad. biro lang yun. lahat naman tayu dito sa blogosphere magkakapatid ^^
ReplyDeletethanks! ^^
ReplyDeleteNahuli ako? toinks…..
ReplyDeleteIsang napakalakas na klap klap klap sayo Boni! Pinaiyak mo ako sa entry mo, huhuhu!
Totoong totoo ka dyan parekoi. Apir sa mga kuya natin!
((((naligaw ako Bon))) iba kasi position ng comment sa page ko (hikbi!)
Ganda ng post mo.. ngayon lang ako nagkatime magbasa ng blog entry at magcomment ulit aba e muntik mo pa kong mapaiyak dito ha..... sarap siguro ng may kuya noh... ako nakiki-kuya nalang ako ng kung sino sino hahaha... saya talaga pag inaalala ang mga nakaraan noh... pano nalang si Bon kung wala si Kuya... :)
ReplyDeletecongrats kay kuya mo....
wish ko naman sayo eh sana ikaw naman ang susunod na mag wedding... invitation ha! :)
katuwa naman. na-alala ko tuloy pinsan ko na kuya ko na rin.sya nagturo sakin gumawa ng saranggola. lol.
ReplyDeleteUna congrats nga pala kay kuya! Napakasaya naman ng samahan nyong magkakapatid, parang kami lang din hehe. Tuwing walang pasok pagdilat pa lang ng mata namin nag-aagawan na din sa joystick ng family computer. Adik lang.
ReplyDeleteBatiin ko na din ang magandang barong hehe. At wag na ma-inggit sa Bryan, mas maganda pa din ang Bon..kasi in French it means - "good"
Ingats lagi. God bless and happy mother's day to your mom.
wow ang ganda naman. im sure magnininong ka sa anak ni kuya mo.
ReplyDeletesalamat po sa pgdaan!! uu eh! naka kontrata na! ^^
ReplyDeleteNapadaan lang!
ReplyDeleteang sweeeeeeet naman ng letter kay kuya.
ReplyDeletepucha pareng boni natats ako.sana magsulat din ng ganto sina dondon,samboy,paulo at owa in the future para sa kuya nilang si rye.
congrats sa kuya mo!
btw,napadaan lang pagkatapos ng pananahimik.at kala ko page ko to dahil pareho tayo ng theme.haha.ayun.
habang binabasa ko ang post mo, di ko alam kung proud ka ba sa kuya mo o nilalaglag mo sya. puro embarassing moments ang nakwento mo tungkol sa kanya ah. at may shakehands pa sa may hagdanan, kontodo barong pa! hehe...
ReplyDeleteseriously, i've been praying for emmanuel angelo's health since you texted us about him.
God bless!
salamat po sa prayers brother utoy!
ReplyDeletewoi ka mag alala kanino paba mag mamana mga kapatid mo edi sau ding blogger! in due time! aabangan natin ang kanilang mga obra! hehe!
ReplyDeletewelcome back pareng rye!(FAT) ^^
salamat po mangMON. dati nag sasarangola din kami! sarap nun! pataasan!
ReplyDeletethanks heleyna! nakailang palit din kami ng joystick halos mapudpud ang rubber gang sa pati ung metal dun sa loob ng pvc nabakbak nadin haha mga adik sa famicom pagmulat ng mata!
ReplyDeletethanks sa Bon meaning!
thanks rache! regards to paul at sa baby mo!
ReplyDeleteregards sa kuya mong pari! u are so blessed na nagkaroon ka ng big bro na alagad ni totoong BRO!
ReplyDeleteGod Bless!
woy!toll fee mo!? hehe
ReplyDeletenaku totoo yang sinasabi mo, ang pagiging magulang ang isa sa pinaka-fulfilling na mangyayari sa buhay mo. congrats sa kuya mo at sa kanyang maybahay...at siyempre, im sure magiging labs mo ang bagong baby sa pamilya mo. ^_^
ReplyDeletesalamat po sa pagdaan dito.. isang karangalan! ^^ sikat tong si snow, sumilip ako sa blog mo! hmmm..
ReplyDeletethanks po!
nyahaha.may FAT pa rin hanggang ngayon!
ReplyDeletebwahahah.tse. :p
Aha... eh wala ring bago!
ReplyDeleteuy tagal ng walang post ah.
ReplyDeletegising!pareng boni gising!
ReplyDeletehaha..kaka touch nga...ako din walng kuya ate lng pero married..mabait nga kuya bryan sarap kasama dito sa royce..sya comedy king dito lagi pag dalaw d2 finance..naawa nga ako kay kuya bryan nung nasa ospital mag ina nya kc nun ko lang nkita na pwede din pala syang d ngumiti kc nagiintindi..hehe pero buti n lang ok na si ate leah and imman....gobbless po sa inyong mag kuya....
ReplyDeletesarap may kuya... wahhhh!!! wala akong kuya... sino ba pwdeng na maging kuya rito? Lol!
ReplyDeletewow nice photo!
ReplyDeleteito ang isa sa mga bagay na kinaiinggitan ko... ang makapagsulat tungkol sa isang kapatid... wala kasi akong kapatid... haaay...
ReplyDeletepero maraming salamat sa pagbabahagi ng kwentong ito. meron din akong natutunan... na mas matimbang pa rin ang dugo kaysa tubig... nonsense at corny ata realization ko... hahaha...
--
bons: salamat! napadaan nako sa blog mo hehe! kakaiba ang tema! balik ako minsan!
thanks dito! pede mo naman akong maging kapatid! kuya penge naman PSP o! nyahaha!
ayos mga article mo. .. sarap basahin..
ReplyDeleteme mga kuya din ako pero wala akong mga ganitong karanasan... kasi naman wala kami lahat ng mga laruan, at computer o kahit anong pwedeng pag-agawan, hehehe