Skip to main content

Posts

Showing posts from June, 2013

Buhay Elementary at Palakol

Nainspire ako sa blogpost ni bino tungkol sa usapang elementary. Kaya gagawa din ako, ang dami dami kasi nating mga karanasan nung kabataan natin, at minsan ang sarap lang balikan ng mga yun at matatawa ka nalang tapos maiisip mo na napakasimple lang talaga ng buhay noon tara simulan natin. Bago ang mga gamit mo bago magpasukan, mamimili na kayo ng mga gamit May palang, tapos tuwing bago matulog titignan mo yung mga yon, na excited ka ng gamitin, tapos ang babango pa, lalo ung eraser sarap kainin. Kahit di naman kailangan bukod sa bag dapat may plastic folder ka, yung see-through mas maganda kase para kita dun mga bolpen mo at kung ano ano pang gamit school na pambata. Excited ka sa unang araw ng pasukan, dahil nga bago ang lahat ng gamit mula sapatos hanggang sa kulay puting t-shirt. sa school magdadasal ka na sana nasa section mo parin ikaw at hindi ka nadala sa bulok na section, big deal yan lalo pag nasa section 1 ka, wag na wag lang malilipat ng section kasi parang nakakahiya...

Single Ka?

Nakakamiss din talaga ang mag personal blog eh no, yung totoong kahit ano ang sabihin mo - ayos lang, naalala ko dati nung nagsimula ako sa wordpress parang ganito lang din, pwedeng sabihin kahit ano, tagalog ayos lang.. at nakaka miss din yung dati pahabaan pa ng comment at talagang babalik pa yung mga commenters para sumagot ulit. =) Simple lang talaga! =) Halos 5 years na din pala tong bonistation counted ang wordpress.com days! =) kahit ang dalang ng post ng mga nakaraang taon eh buhay padin at pasensya na talagang busy lang sa Taragis.Com (haha promote parin?). So anong latest? anong bago sa inyo? sana makapag kwentuhan uli tayo sa mga comment, at makadalaw din sa mga blogs nyo. Lately nag ba blog hop ako at marami rami narin akong nabisita at kaya naman nakakainspire talagang mag blog uli. Naka 6 years nadin pala ko dito sa KSA, ang bilis ng panahon talaga! sabi ko nung nag aayos palang ako ng papeles papaalis baka isa o dalawang taon lang kaya ko, pero yun nga umabot na ng 6.. ...