Hindi naman talaga ako mahilig sa ganitong tinapay ( kubus ang tawag) dahil karaniwan na ito dito, pero kanina may nagbigay, at habang nasa office ako, naisipan kong kainin pakonti konti.. naisip ko na naman, eto yung tinapay na walang lebadura (yeast, sana tama ako). walang pampaalsa, at ganito nga siguro ang tinapay na kinain ng buong tropa ni Jesus Christ nuong last supper. =) Sa simple na tinapay na 'to, wala naman talagang lasa. =) pero ngayon parang naapreciate ko sya, naubos ko ang dalawang piraso na sing bilog ng plato haha. Ganito nga siguro ang buhay noon, nung hindi pa uso ang kaunlaran at kung ano anong mga pagkain. Simpleng tinapay busog at masya na ang mga tao. Have a blessed and meaningful holy week po sa inyong lahat!