Official Entry to the 2nd Annual Pinoy Expats/OFW Blog Awards *** SALUDO AKO SA 'YO! two years and 3 months na pala ako dito sa saudi. ang bilis! nakapagbakasyon nadin ako ng dalawang beses. masarap talagang umuwi lalo na pag first time, nandun yung kasabikan sa mga mahal mo sa buhay! ‘di naman talaga biro ang mag abroad at wala din namang nagsabing madali ito, naalala ko pa yung unang text ni basti ‘tol may hiring kami dito, email mo sakin resume mo .. nasa side strip kami non medyo gabi na sa pilipinas kasi naman 5 hours ang time difference, sa kagustuhang kong malinawan yung mga details tawag ako agad kahit overseas yon, yun pa yata ang unang beses kong nag call sa kanya sa saudi. kinabukasan, ayos agad ako ng resume ko update at scan ng mga iba pang kailangan at send.. marami pangyayari at hindi rin naman naging mabilis at madali ang pag ayos at paghintay.. hanggang sa na approved at makarating na nga ako dito. welcome kingdom of saudi arabia. hindi ko din naisip na sa dami ...