naalala ko pa yung english na kanta na ginawa mo sa typewriter.. ipinasa mo yun sa grupo natin., freshmen palang tayo lahat nun, at nagsisimula palang mabuo at makilala ang mga magiging bagong ka klase at kaibigan.. labing dalawang taon na ang lumipas, tara balikan muna natin.. naalala ko pa nun sa buong klase ikaw ang parang pinakabata, at totoo nga kasi mas lamang pala kami sa 'yo ng isang taon. pero ganun pa man, hindi yun naging sagabal para mas maging angat ka sa nakararami, sabihin na nating; isa ka sa mga bright na mag aaral nung panahon na yun. isa ako sa naging saksi kung pano mo inaaral ang lahat ng subjects na meron tayo lalo na ang math kasama na ang lahat ng klase ng calculus at kung ano anong equation. simple ka lang din naman nun. larawan ng karaniwang estudyante. papasok, iiyak (haha joke!), maglalagi sa canteen, sa internet lab or kaya naman sa library. alam ko syempre! dahil sa mga panahong 'yan.. nanduon din ako. kasama mong tumatawa, nambobola at nangun...