Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2009

libreng kape

sobrang lamig sa office kaya naman mas ok pang magkape sa labas, eto unang gabi ng duty ko na ramadan mode. masarap pag ramadan mababait ang mga tao, tulad ngayon nakalibre ako ng kape! 1riyal din yun (12.50pesos). ayaw ng pabayaran sa akin sabay bati nya ng ramadan kareem na hindi ko rin naman alam ang ibig sabihin kasi hindi naman ako muslim. pero parang holy greetings yata basta ganun ang mahalaga eh libre ang kape ko ngayun hehe. ang tahimik sa loob ng ospital para bang kahit anong oras ay mayrong kakalabit sa likod ko tapos sasabihing "huwag kang lilingon" o kaya naman magpapatay- sindi ang mga ilaw na parang mawawalan ng kuryente..  kaya lumabas ako at tumambay sa may ER entrance (uu pasukan ng emergency pag me aksidente o ano pa man) sa labas sa bandang gilid may mga bench na parang  waiting area.habang umiinom ng kape ramdam ko talaga na nasa saudi ako kasi kung anong lamig ang meron sa loob ng ospital ay sya namang todo ng init sa labas.. may mangilan ngilang stars.....

simpleng buhay nuon..

na aalala mo pa ba?         -- bonistation    

bag ko 'to

na tag ako ni livingstain tungkol dito na nagsimula naman kay machongbutiki . nung una ko to mabasa kay mb, natawa ako kasi para lang artista sa SNN with Boy and Kris at nakita ko to minsan ng mag feature sila ng mga celebrity  ^^

saludo ako sa 'yo

 (Official Entry to the Pinoy Expat Blogger Awards 2009) *** two  years and 3 months na pala ako dito sa saudi. ang bilis! nakapagbakasyon nadin ako ng dalawang beses. masarap talagang umuwi lalo na pag first time, nandun yung kasabikan sa mga mahal mo sa buhay! ‘di naman talaga biro ang mag abroad at wala din namang nagsabing madali ito, naalala ko pa yung unang text ni basti ‘tol may hiring kami dito, email mo sakin resume mo .. nasa side strip kami non medyo gabi na sa pilipinas kasi naman 5 hours ang time difference, sa kagustuhang kong malinawan yung mga details tawag ako agad kahit overseas yon, yun pa yata ang unang beses kong nag call sa kanya sa saudi. kinabukasan, ayos agad ako ng resume ko update at scan ng mga iba pang kailangan at send.. marami pangyayari at hindi rin naman naging mabilis at madali ang pag ayos at paghintay.. hanggang sa na approved at makarating na nga ako dito. welcome kingdom of saudi arabia. hindi ko din naisip na sa dami ng bansa dito ako mapupunta. p...

proud to be pinoy!

hindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataon na 'to para magbigay din ng pasasalamat. hindi man personal pero sa maliit at kaya kong paraan.. gusto ko ding maging bahagi ng kasaysayan upang sa darating na panahon kung babalikan man natin ang nakaraan mayroon ako kahit isang simpleng naisulat sa panahong ito.. sa pagkawala nya, nabuhay ang pagkakaisa, suporta at pagiging makabayan ng bawat pilipino. mas naramdaman ko ngayon ang sarap ng pagiging pilipino.. mas naapreciate ko ang sinasabing demokrasya na naibigay nya para sa bawat isa sa atin, ang kaibahan nya sa lahat ng mga namumuno at ang kahalagahan ng kalinisan ng kaluluwa at intensyon.. MARAMING SALAMAT PRESIDENT CORY. thru you; once again, i became more proud that I AM A FILIPINO.