iba ang wisyo pag nasa inuman, nakakalakas ng loob, ramdam mo ang kakapalan ng mukha (nakakamanhid). ilang beses nadin ba akong nakabasag ng baso dahil sa hindi kona ito mahawakan ng mabuti at palaging dumudulas sa kamay ko isama mo pa dyan ang pag bangga sa pader kung tatayo ka at maglalakad pupunta sa CR para umihi. (taragis! wag kase kayung magulo, lasing ako!) kung lasing ka nga malakas ang loob mo, pero hindi pwedeng sabihing hindi mo alam ang ginagawa mo. ang masarap lang don out of control ka at kung may kasama kang chicks, patay na! ^^. [period haha, ayokong mag kwento pagod ako.] pero isa na yata sa pinakamagandang natutunan ko sa kwentuhang lasing ay ang mga salitaang "walang tama o maling desisyon, nasa diskarte at paninindigan lang yan." naisip ko nga ang mga pagkakataong nagkakamali ako sa buhay at gaano karami ko nadin bang nasabing ok lang 'yan, walang mali. diskartehan mo nalang. may mga pangyayari talaga na kailangan din nating magkamali dahil dun t...