Skip to main content

Posts

Showing posts from December, 2008

holy package

ako pa lang yata ang totoong makakakain ng siopao na galing kay revsiopao . special delivery from rome. hehe mainggit kayo!^^ sarap nito!

burp!

matapos ang halos kalahating buwan na pag iisa sa bahay, nakapag breakfast din ako ng may kasabay. dumating na kasi ang isang housemate galing bakasyon sa pilipinas. loaded ang aming agahan at nun lang yata ako uli nabusog, burp!  iba padin kasi pag may kasabay at kabidahan ka habang kumakain. marami na naman ako narealize nung mga araw na magisa lang ako sa bahay. at parang na homesick yata ako nun.^^ naisip ko na naman yun mga panahon na nasa pilipinas pa ako nag wowork, reporting 8am-5pm. gigising ng alas sais ng umaga para gumayak at babalik sa bahay minsan past 7pm na. kundi nag pagabi sa office dahil traffic sa rush hour ng 5pm malamang nagpalamig sa mall. at pagdating sa bahay, pagod at halos inaantok na.

paskong pinas

habang pumapatak ang mga yelo dito sa blogsite ko mas lalo ko tuloy nararamdaman ang lamig nakajacket na nga ako eh tumatagos padin! taragis! pangalawang beses kona mag papasko dito sa saudi at hindi ko padin lubos maisip na lumalamig pala ng ganito kalamig dito bumababa yata kami sa 5degrees. pero hindi naman umaabot sa yelo. dalawa lang ang season dito summer and winter (naks winter talaga,diko lam basta sobrang lamig) yan ang nararamdaman ko.

basta i'll be home soon

mamas mode. "sabi ng kuya mo sa october ka pa uuwi, totoo ba yon?" ayan ang naresiv kong text galing sa nanay ko. aba halos magtumbling ako wah! diko alam ang isasagot ko dahil talagang surprise ang uwi ko sa march. at hindi nila alam yon. bago pa ang text na yan kausap ko na ang kuya ko at sabi nga malungkot ka nung araw na dumalaw sila sa atin. ang tahimik mo nga daw kahit ba nag ikot pa kayo sa bagong robinsons (wow open na pala sa cabanatuan).

email para kay bon

walang masabi

madalas kitang hanapin.. palingon lingon, palinga linga tapos pag nakita na kita at kaharap na.. bigla nalang akong di makapagsalita bakit? pano ako magsasalita? eh buong kahulugan ng buhay ko... nasa harap ko na..   Bons