Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2008

noon at ngayon

Habang nagiikot ako sa blogsphere kanina nakita ko 'to sa isa sa mga entry ni rache  kasama ang kanyang caption.

love team

natuwa ako nung napansin mo yung status ko sa YM na bonistaton na naka link sa blog ko, sabi mo "ayos ginawa mong parang mrt station" sakto nga kasi inaantok kana dyan. hehe natawa talaga ako nun parang dimo kasi bagay. at sinundan mo pa ng isang biro "baka makatulog ako dito ah ang hahaba kasi.." kaya sinagot nalang din kita ng pabiro "kaw bahala ka baka makarating ka ng Taft" haha. tapos sumunod na araw diko alam kung pinapagalitan mo ko o ano dahil ang sabi mo sakin "oist bago na naman yang blog mo? puro ka blog" natuwa ako sa dating nung message mo at naisip na sana tayo na nga lang no?, sana ikaw na lang yung taong palaging nandyan para sa akin at papansin sa mga ginagawa ko.. namiss ko lang din yung dating gawi na sasabihin mo sa kin manlibre ka nga tapos escape ng konti sa kung ano man yung ginagawa para lang kumain sa canteen, karaniwan na ang usapan natin sa pangarap, sa magiging work at sa kung ano ano pa. ang simple ng buhay nun.. na k...

Blogger Buddy Award

first time ko din makaresiv nito, ibinigay ni libay matapos ko syang tanungin liberty is tat u? ^^ oo sya nga daw. naalala ko ang taong to sabi nga nya schoolmate kami. sige hindi ko na palalawigin pa kung sa panong paraan, kailan at saan, basta ang mahalaga nalaman ko na kakaiba ka pala talaga. toinks! ^^ eh ke suplada mo kasi dati somehow nakaktakot at parang magagalit ng magagalit sabi ko nga sa isang reply ko sa comment parang syang abugada noon. ay kahaba na ng intro ko, syempre inuwi ko ang award at dinala ko dito sa bonistation, eto sya o:

dalawa lang ang ibig sabihin

aanhin pa ang kagandahan ng isang babae.. kung hindi naman ako ang boyfriend! haha!~ biro lang po. hindi naman talaga nasusukat sa hitsura o pigura ng isang babae ang ikakatangi mo sa kanya. iba padin ang totoong ramdam mo na mahal at aalagaan ka. (caregiver kumbaga) lols! kunswelo nalang pag hot chick talaga ang babes mo! aww! araw araw gabi gabi jackpot ka. basta ang mahalaga kaya nyang panindigan ang pagiging butihing ina ng isang buong basketball team. kaya nyang tiisin ang mga kakulitan mapa yung daddy o ung mga bata.

popoy

lunes na naman, sakto ang dami nagtatanong ng blog kung may bago ako. sinadya kong di gumawa kasi naman sabado nga at linggo sabi nila walang benta pag ganyan mga araw kasi karamihan sa inyo walang pasok at alam naman natin na mga huwarang empleyado kayo! huh!? alas otso ng umaga friendster ka agad! at sabay sabay magagalit sa FS dahil ninakaw ang mga friends nila. haha. sino nga ba naman ang hindi maiinis sa ganun! hoy ibalik nyo mga friends namin! sabi nga nun isa sa nabasa ko na nagcocomplain  "friendster! give me back all my friends" ^^ habang nag iisip isip ako ng topic kanina  naisipan kong manghingi sa chat at eto ang usapan namin

para sa aking bukas

mahilig ako sa hayop. as in pets! kaya nung bata pa ako ang dami kong alaga sa bahay. kung ano ano maliban sa kuneho toinks!. sipunin kasi 'yon at madaling mamatay. 'yun hilig ko din siguro na yun ang dahilan kung bakit dati gusto kong maging isang duktor.. ng hayop ^^. VetMed ba, diko lang alam kung pano at kung saan kaya hindi ko na lang itinuloy tsaka nalaman ko sa sarili ko takot pala ako sa karayom at dugo. diko alam parang tumataas ang pwet ko pag nakakita ako ng sugat na malala o kaya naman yung mga inooperahan. pero ngayon kahit anong sugat pa yan sariwa o basa diko na inuurungan at di na rin ako mangingiming anohin yan. taragis!

usapang gusto natin.

ikatututwa na naman ang entry na 'to ng mga kaibigan kong suki sa blog at kasama na dyan ang grupo ng quickie elevator at dyugdyug hagdan. kung ilalaban sa popularity contest ang blog ko mananalo tayo sa mga kahalayang nasasaad sa mga comment nyo. taragis! kahihilig oo! hindi ko na tuloy maiaalis ang totoong kulay ng boni station. pero sasabihin ko hindi kayo magwawagi. ibabangon ko 'to at muling ipapasok sa butas ng kalangitan ooohhh ahhh! (toinks! nadala lang ako teka!). bakit nga ba masarap ang bawal, at masarap gawin ang mga bagay na patago? kkaiba ang sarap sa pakiramdam pag ginagawa mo ang bagay na nagpapasaya sa 'yo sa style na patago. may betamax o vhs ba kayo dati? yun ang uso bago pa sumikat ang cd at dvd. marami din ang mga video rental shop sa palenke o kaya naman sa kung saan saang kanto sa lugar nyo. high school ako ng magkaroon kami ng betamax

saludo ako sa 'yo

one year and 5 months na pala ako dito sa saudi. ang bilis! nakapagbakasyon nadin ako ng isang beses. masarap talagang umuwi lalo na pag first time, nandun yung kasabikan sa mga mahal mo sa buhay! 'di naman talaga biro ang mag abroad at wala din namang nagsabing madali ito, naalala ko pa yung unang text ni basti 'tol may hiring kami dito, email mo sakin resume mo.. nasa side strip kami non medyo gabi na sa pilipinas kasi naman 5 hours ang time difference, sa kagustuhang kong malinawan yung mga details tawag ako agad kahit overseas yon, yun pa yata ang unang beses kong nag call sa kanya sa saudi.

Wanted: GF

Medyo matagal tagal na rin at kahit papano masaya na din naman ako at alam kong lahat tayo ay masaya ngayon kaya siguro pwede kong isingit 'tong blog na to.. ayoko nga sana kasi baka maging madrama ang kalabasan pero may nangungulit kasi na gawin ko 'tong post at nasundan pa nung isa na maghanap nadaw ako ng gf!! (bakit nyo bako pinepressure!?) kaya pede nadin namang sabihing "by popular demand" .. eh tinanong ko nga kanina,  "ano ba ang dapat kong hanapin?" ang gusto ko mgng gf m0 un,aalagaan ka.. Dka huhurt,at pangingitiin ka and paki2nggan mga wentu mu evryday.. Di ba? Kc gsto ko mafil m0 na appreciated ka.because u deserve it,..u deserve to b happy dun s ta0ng mmhalin m0 at mmhalin k the best and sweetest way ever.. para namang napakasarap isipin, sa totoo lang kinilig ako nung nabasa ko yan at sabi ko sige gagawin ko taragis!   nakakatuwa at ang saya naman kasi talagang pangrapin ang ganun. pakiramdam ko nga umihi ako ng sampung beses at sampung beses ...

email ko kay lord

Dear Lord, kamusta na!! sensya na paputol putol ang connection dito sa bahay! kaya now kolang nagawa tong email ko sayo, alam ko na hinihintay mo din naman to, kahirap naman kase ng connection, tsk! taragis mahirap kase ang nenoks lang ang wifi. woy!! lord bago ang lahat eh salamat sa blessings! kadami mo nadeng naibigay oo, eh lahat appreciated naman yon kahit diko sinasabe sayo! YOU ROCK! 101.9 (alam mo na yuuun!). pero totoo bang may intervention ka dun sa blog ni jorge? design mo daw yung header nya eh! haha anyway natanong ko lang naman kase sumingit na naman sa isip ko ^^ toinks! Tagal nadin di ako nakakasimba ng live pero pede naman yung ONLINE dba!? minsan nga muntik pa kami magkasabay ni basti tanong ko magsisimba ba sya, oo daw, " eh kaw ba!?"   oo start naba?! tapos nung nag stream kami halos kalahati na yung mass

bakit suplado minsan si bon?

woy! tama lang naman yung title! bigla ko naisip "oo nga, bakit suplado minsan si bon" tapos pag nasa mood naman sobrang bait at sobrang kulit! taragis! eto siguro ang unang unang pagpapaliwanag na gagawin ko para sa sarili ko! haha di naman ako talaga suplado, siguro may mga pagkakataon lang ng busy kaya hindi ko napapansin ang mga tao sa paligid. kung di ako busy sa work, busy ako sa games, busy ako sa browsing sa internet at ayoko nag papaistorbo pag mga ganun! physically naman kung makikita moko or makakasalubong at hindi kita napansin ayun masasabi mong suplado ako